
Saan ba nangagaling ang mga himala? Ito'y nagmula sa isipan ng dalawa sa pinagpipitagang manlilikha ng pelikulang Pilipino, sina direktor Ishmael Bernal at ang manunulat na si Ricardo Lee. Taong 1982, kalahok sa taunang pista ng Pelikulang Pilipino ang Himala (Experimental Cinema Of The Philippines). Hindi pangkaraniwang pelikula ang Himala. Tinugis nito ang ating sariling paniniwala, totoo ba ang mga himala? Katanungang nakaukit na sa ating kaisipan. Ano ba talaga ang nakita ni Elsa (Nora Aunor) habang may eclipse? Halos lahat ng naninirahan sa Baryo Cupang ay pinaniwalaan si Elsa. Isa na dito si Chayong (Laura Centeno), ang matalik na kaibigan at kababata ni Elsa. Nanalig din sa kanya sina Mrs. Alba (Veronica Pallileo), Sepa (Amable Quiambao), at Baldo (Ben Almeda). Sa paniniwalang mapapasakanya na rin ang pinakaaasam na pagkatataong makilala bilang isang ganap na direktor, nagpunta si Orly (Spanky Manikan) sa Baryo Cupang para isapelikula ang mga kaganapan sa buhay ni Elsa. Nagbalik din si Nimia (Gigi Duenas), upang makinabang sa bumubulusok na pag-unlad ng Baryo Cupang. Kasabay sa pag-usad ng ekonomiya sa maliit na baryo ay ang lumalalang problema ng prostitusyon, epidemya at ang tahasang pagbebenta ng mga milagro, kung saan pinagkakitaan ng mga taga-baryo ang mga dayuhan at turistang nagnanais hingin ang tulong ni Elsa. Unti-unting naapektuhan ng mga di inaasahang pangyayari ang takbo ng buhay sa Baryo Cupang at tuluyan nang tumigil sa pangagamot si Elsa, nagsilisan na ang mga bisita at turista. Isang araw, ang lugar na bihirang datnan ng ulan ay halos bahain ng isang malakas na pagbuhos at sa pag-aakalang ang ipinagbubuntis ni Elsa ay isang himala, muli silang nagtipon-tipon sa burol, kung saan unang nakita ni Elsa ang imahe ng Mahal Na Birhen. Doon ay ipinagtapat ni Elsa ang katotohanan, ang hanyang tunay na saloobin, ang mga pangyayaring siya lamang ang nakakaalam. Walang himala! wika niya. Ibinuhos ni Elsa ang kanyang damdamin sa harap ng libo-libong tagasunod hanggang sa bigla itong binaril ng isang di-kilalang lalaki. Sa burol nagsimula, at sa burol din nagtapos ang lahat. Si Elsa ba ay isang Santa? Hindi ko alam ang kasagutan sa tanong na ito.
Namumukod-tangi ang husay na ipinamalas ni Nora Aunor sa papel ni Elsa. Sa paggamit ng kanyang mga mata, nakita ang mga pagbabagong nagaganap sa kanyang paligid. Naging epektibo ang pagsasakarakter ni Bb. Aunor kay Elsa, hindi lamang sa pisikal na kaanyuan kundi maging ang pagkatao nito. Muli niyang itinaas ang antas sa sining ng pagganap na tumatagos sa kamalayan ng manonood ng pelikulang Pilipino. Hindi man nagantimpalaan ang talinong ipinamalas sa pelikula, ito ay nakaukit sa imahe ng kulturang Pilipino at hindi malilimutan kailanman. Bukod sa pangunahing bituin ng Himala, ang may pinakamahalagang papel na ginampanan dito ay ang direktor na si Ishmael Bernal. Ang pagbibigay-buhay sa mga tauhan ng pelikula at sa kuwento ay hindi madaling gawin ngunit nabigyan niya ito ng kulay at buhay. Sinalamin ng Himala ang buhay ng mga Pilipino, ang ating paniniwalang isang himala ang magiging kasagutan sa mga suliraning pisikal at emosyonal. Nagkalat pa rin hanggang ngayon ang mga taong tulad ni Elsa, nagbebenta ng himala na patuloy pa ring binibili ng mga tao. Bakit? Dahil kahit paano'y naiibsan nito ang bigat ng ating kalooban. Sinasabing ang pelikula ay salamin ng buhay, patunay dito ang Himala, nakita natin ang ating mga sarili hindi lamang kay Elsa kundi pati na rin sa mga residente ng Baryo Cupang.
Direksiyon: Ishmael Bernal
Dulang Pampelikula: Ricardo Lee
Sinematograpiya: Sergio Lobo
Musika: Winston Raval
Editing: Ike Jarlego, Jr.
Disenyo: Raquel Villavicencio
Produksiyon: Experimental Cinema Of The Philippines
Ilang piling tagpo sa Himala


2:30 AM
Jojo congrats to your blog! You should publish a book soon containing all your Filipino film reviews. Keep up the good work, bro!
2:34 AM
This is my second Bernal flick that I really liked sometimes can also be on the league of his masterpiece MANILA BY NIGHT. Future generations will still be awed by the magnificent bravura performance of Ms. Nora Aunor, she can now retired because for this film alone, her status for being called the greatest living actress in Philippine Cinema is already secured. I'm still impressed up to now!
4:10 AM
thanks a lot Onat! it's just that i really enjoy re-visiting these old movies and i'm glad that movie lovers like you keep on reading my thoughts on these Filipino film classics.
6:00 PM
ito yong movie na shows kung ano ang filipino....famous tayo sa mga himala ng mga birhen or ano man...it shows talaga kung ano tayo sa movie na ito.
gusto ko yong eksena na kung saan ay ginahasa silang 2 at ito ay nakunan ng isang taga manila na kung saan ay malaon na itong nagmamasid sa kanila...at yong nag speech na si nora na ..walang himala nasa puso ng tao ang himala...very moving ang eksenang iyon.
3:59 PM
Hi Jojo,
It's Bernal and Aunor at their most cinematic. It's a near perfect movie, except for a few trite philosophical musings mostly involving my least liked character, the docu filmmaker.
RSE
12:51 AM
You know what Ron? The actor who played the filmmaker complained about the film's poster when Cesar Hernando showed the design to Ishmael Bernal during post production at Magnatech. Bernal loved the poster design and gave it his approval...
10:25 AM
If I were Bernal, I would have edited out most of his talking scenes & make him even more of a minor character. Why didn't he like the poster? Because he wasn't in it? ;-)
7:08 PM
He disliked the poster because he's not in it, and rightfully so. Nora Aunor is the film's star and Bernal was fine with it...