Maakit At Mahalina Sa Ganda Ng DIOSA


Diosa


May misteryo sa likod ng sunud-sunod na pagkamatay ng mga lalaki sa angkan ng mga Alegre. Ang dalawang natitirang lalaki ng angkan, ang magkapatid na sina Jun (Alfie Anido) at Teddy (Lloyd Samartino) ang naiwang tagapagmana ng kanilang yumaong ama. Naging punong tagapamahala ng kanilang negosyo si Jun. Nakatakda na rin ang  kanyang pagpapakasal sa nobyang si Joanne (Jenny Ramirez), ngunit nabihag siya sa ganda ni Katrina (Lorna Tolentino), isang misteryosang babaeng nakilala niya sa disco. Naging madalas ang kanilang pagkikita hanggang matunton at mahuli sila ni Joanne. Walang hilig sa negosyo si Teddy, pinagtutuunan nito ng pansin ang pagtatapos ng kursong Antropolohiya. Sa kanyang pagsasaliksik ay nagawi ito sa Baryo Alitaptap at dito niya nakilala si Luz (Lorna Tolentino), isang mayuming dalagang naninirahan sa bundok. Nabihag ng kasimplehan ni Luz si Teddy at nahulog ang kanilang loob sa isa't-isa. Di naglaon ay kinailangang lumayo ni Luz dahil ayaw niyang mapahamak si Teddy. Nagbalik sa Maynila si Teddy at ipinakilala sa kanya ni Jun si Katrina. Dahil malaki ang pagkakahawig ni Luz kay Katrina, nagkaroon si Teddy ng kaugnayan sa nobya ng kapatid. Minsa'y nakita ni Jun sina Teddy at Katrina na magkasamang nanood ng sine at dito nagsimula ang alitan ng magkapatid. Nagtungo si Teddy sa Nueva Ecija at doon ay natuklasan nitong iisa ang babaeng naging dahilan ng pagkamatay ng kalalakihan sa kanilang angkan. Samantala, isinama ni Katrina si Jun sa Baryo Alitaptap upang ipakilala sa kanyang pamilya. Sinundan ni Teddy si Jun para iligtas sa kapahamakan, ngunit naisagawa na ni Katrina ang kanyang paghihiganti. Gusto ng diwatang si Luciernaga (Lorna Tolentino) maibalik ang mga alahas na kinuha ng kanyang lolo na si Don Felipe (Raul Casado) upang matahimik ito. Sa  pagtatapos ng pelikula ay ibinalik ni Teddy ang hiyas ng diwata.

Isang metaporikal at tuwirang pagdanas sa hamon ng tradisyon ang dinaanan ng magkapatid na Jun at Teddy sa Diosa (Regal Films, Inc., 1981). Wala na sa kamalayan ng mga ito ang sinaunang kapaniwalaan. Binulabog ng kanilang ninuno ang dinatnang ayos ng kalikasan at nabulabog naman ang mga ito ng kanilang aroganteng pananaw sa mundo ng supernatural. Sa unang tingin ay tila isang simpleng pelikula lamang ang Diosa. Ito ay behikulong nagsasalarawan ng kinalalagyang posisyon ng mga tradisyong wala na sa kamalayan ng modernong kaisipan. Nagbubukas ang pelikula ng pinto upang tanawin ng nito ang nakalipas at ang malaking posibilidad na maunawaan kahit sa nalohikal at nagohikal na signipikasyon na may isang bahagi ng kanilang katauhang nakikipagtagpo sa guni-guning bahagi ng kanilang reyalidad. Hinikayat ng lingid sa reyalidad na iyo na kinakatawan ng mapang-akit na diwata ang magkapatid sa kaibuturan ng kanyang pinagmulan. Sa ganitong pagbasa, hindi nagkataon lamang na paghihiganti ang nasa ng diwata kundi nais nitong iparamdam ang pakikiisa sa katutubo, gaano man kaganda o kasakit nito.


Direksiyon: Maryo J. de los Reyes

Dulang Pampelikula: Soxy Topacio Kriss Adalia At Jake Tordesillas
Sinematograpiya: Joe Batac, Jr.
Musika: Lutgardo Labad
Editing: Rogelio Salvador
Disenyo: Dez Bautista
Produksiyon: Regal Films, Inc.

10 Response to "Maakit At Mahalina Sa Ganda Ng DIOSA"

  1. Nostalgia Manila says:
    3:36 PM

    It's been a great year for bloggers. May you prosper in the new year!

    This is an amazing site! One of my favorites! Keep up the good work. Also wanted to let you know that I'll be featuring your Bagets article in the new year. Maraming salamat for this blog!

    Wishing you a Merry Christmas and a Happy New Year!

    --Nostalgia Manila

  2. Jojo Devera says:
    4:56 PM

    Merry Christmas to you as well! I love your blog too... pareho tayong mahilig sa 70's & 80's. Feel free to use my post on Bagets. Best Regards!

  3. juanito says:
    10:40 PM

    Thanks to your blog.

    Its kinda refreshing to see those photos of yours of our favorite stars.

    By the way where can i get a copy of the film "DIOSA" and other old films of Miss LT, i have tried searching for them at several videostores but to no avail.
    I hope you can help me but nonetheless congrats to your blog.

    Juanito65ph

  4. Jojo Devera says:
    4:28 AM

    Diosa is no longer available in any video format. Thanks a lot for visiting my blog...

  5. Dennis says:
    6:04 AM

    Hello Jojo!

    I remember that Regal Presents used to air this often. The opening credits used in the film was very unusual for Regal that time.

  6. Jojo Devera says:
    7:51 AM

    There was a long scene with Lorna and Raoul Casado before the credits began. It was probably shortened on TV because of the nudity...

  7. Dennis says:
    8:31 PM

    Was the long scene in the beginning included in video released before?

  8. Jojo Devera says:
    1:02 AM

    It was in the Trigon video release but in the Regal VHS I saw some years ago, may cuts yung scene...

  9. Dennis says:
    7:57 PM

    Thanks!

  10. Jojo Devera says:
    7:00 AM

    Anytime Dennis!