![]() |
| Biyaya Ng Lupa |
Masasabing matagumpay ang pelikula sa pakay nitong isalunan ang hilahil ng mag-anak sa usapin ng lupa at pag-angkin nito ng mga komprador. Idagdag pa rito ang samu't-saring puwersang humahamon sa mga mithiin ng pamilya nina Jose at Maria. Matutukoy ang paghulma sa taumbayan bilang karakter at hindi lamang kasangkapan. Sila'y aktibong kumikilos sa pagsulong sa mga partikular na interes. Sa pag-usisa nito sa mga panlipunang isyu, natatanganan din ng pelikula ang usapin ng kasarian sa konteksto ng bahay at bukid. Ang pag-aararo at pagpapalaki ng mga bata. Bakit ang mga lalaki lamang ang maaaring bumungkal ng lupa? At bakit hindi ikinatutuwa ni Maria na pinaghihiasukan ni Jose ang pagdidisiplina sa mga bata? Gayunpaman, naipamalas din ng pelikula na ang mga nakamihasnang papel na itinalaga sa mga lalaki at babae ay natitinag din ng sitwasyon at kondisyong historikal. Halimbawa, naitaguyod din naman ni Maria ang kanyang mag-anak kahit wala ang kanyang bana. Susi sa temang ito ang maningning na pagganap ni Rosa Rosal bilang Maria. Nagpapamalas siya ng tatag ng kalooban, kahinahunan at marubdob na pag-ibig sa pamilya at magandang kinabukasan nito. Nasaling ng pelikula ang pinagpiptagang imahe ng pamilya bilang institusyon. Sinasabi ng pelikula na hindi naman abstrakto ang konsepto ng pamilya o pati na rin ang banal na tradisyon ng kasal. Ito ay isang praktika na isinasabuhay sa konteksto ng mga espesipikong kondisyon. Nariyan ang pulitika ng pagtangi sa mga anak o ang isyung kung sino ang higit na nakalalamang sa puso ng mga magulang. Bagman hindi nagawa ng pelikulang pawiin ang lahat ng pait ng tradisyon ng melodrama, nakayanan naman nitong maghain ng bagong panlasa sa pagkonteksto ng domestikong usapin sa uniberso ng kontradiksiyong panlipunan.
Direksiyon: Manuel Silos
Dulang Pampelikula: Celso Al Carunungan At Pablo Naval
Sinematograpiya: Remigio Young
Musika: Juan Silos, Jr.
Editing: Enrique Jarlego
Disenyo: Teddy Carmona
Produksiyon: LVN Pictures, Inc.
Release Date: December 16, 1959



7:28 AM
Hi Jojo!
It's nice to read you review a '50's pinoy classic! Biyaya Ng Lupa is one of those movies I've seen years before but wan't able to fully comprehend it as a whole since I was too young then.
Ang pagkakaalam ko, palaging kasama ang pelikulang ito sa mga natatanging pelikulang pang-Pilipino. Klasiko sa lahat ng aspeto.
7:42 AM
Hello Dennis!
I've always wanted to review films from the Golden Age of Philippine cinema and if there's one movie that's worth writing about it would be Biyaya Ng Lupa, among many others. They show it from time to time on Cinema One since they acquired the entire LVN library along with some of the remaining movie memorabilia.
Kadalasa'y binibigyang puri ang pagganap na ipinamalas nina Tony Santos at Rosa Rosal ngunit nararapat din pagtuunan ng pansin ang husay ng direksiyon ni Manuel Silos...
9:42 AM
Hi Jojo,
Great review. I have this on VHS, bought from Kabayan Central!
I love it for its simplicity.
Regards,
RSE
11:45 AM
Thanks so much Ron!
Times were simple back then and that simplicity is the film's greatest achievement...
11:33 AM
Kapag sinabing Biyaya Ng Lupa associated na agad si Manuel Silos. Eto na yata ang signature film niya. Eto ang pinakakilalang pelikula niya para sa 'kin.
12:13 PM
Siguro nga pero maniniwala ka bang marami ang hindi nakakaalam na si Manuel Silis ang direktor ng pelikula? Gumawa din siya ng musical tulad ng Tuloy Ang Ligaya at ang romantic comedy na Victory Joe...
10:30 AM
Totoo 'yang sinabi mo. Maraming ang alam e ang mismong pelikula at hindi kung sino ang nagdirek. Nabasa ko rin ang dalawang nabanggit mo pero hindi ko sure kung napanood ko noon.
11:08 AM
Bihira din kasi mabanggit ang direktor ng pelikula not unless sina Gerry de Leon, Avellana, Brocka at Bernal. I've seen Victory Joe shown on Cinema One a number of times. Mas may pagkakataon ka na mapanood ang pelikula one of these days...
1:48 PM
Hindi ko nakikita o naabutan ang Victory Joe. Malamang palaging umaga hehe... Sana nga Jojo.
11:43 PM
Kailan lang ipinalabas nila Dennis... Sabagay magkaiba ang schedule diyan sa Pilipinas at dito sa US. Sana minsan matiyempuhan mo.
11:21 PM
Anga ganda naman ng koleksyon mo ng photos mo dito sa Genghis Khan post mo. - Ana of Philippines
6:37 PM
Maraming salamat Ana...